
Hinihikayat ni PIA Director-General Joe A. Torres Jr. ang publiko na suportahan ang mga lokal na aklatan at buhayin ang kultura ng pagbabasa para sa pagpapaunlad ng kaalaman sa ating bansa.
Aniya, ang mga aklatan ay nagsisilbing hinangan ng kaisipan at pagkatuto na naglalayong magbigay kaalaman, magbukas ng mga pintuan sa imahinasyon, at mag-udyok sa mas mataas na antas ng pang-unawa.