QUEZON CITY -- Umakyat na sa P50.5-milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng shear line.
Katuwang dito ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan, NGOs, at iba pang partner ng ahensya.
Kabilang sa ipinamamahagi ng DSWD ang family food packs at cash assistance sa mga napinsala ang tahanan.
Kaugnay nito, batay sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of January 3 ay mayroon pang 6,667 na pamilya o katumbas ng 24,400 na indibidwal ang nananatili sa higit 100 evacuation centers.
Nasa 641,094 naman ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na naitalang apektado ng pagtama ng shear line sa siyam na rehiyon sa bansa. (MAB, DSWD)