No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DSWD Mimaropa sa mga UNA awardees: manatiling inspirasyon sa kumunidad

Hinikayat ni Director Fernando R. Villa Jr. ng DSWD Field Office Mimaropa, ang mga nagwaging Senior Citizen sa Ulirang Nakatatanda Awards 2021 na magbigay-inspirasyon sa kani-kanilang komunidad.

Sa Social Pension Category, ang nagwagi ay si Felicidad D. Maligaya at ang second runner ay si Sixta R. Perlas. Sa kasawiang-palad, sumakabilang bunay na si Lola Sixta bago naigawad ang parangal.

Ang mga nagwagi naman sa Group Category ay ang Romblon Municipal Federation of Senior Citizens Association bilang winner at ang Lingkod ng NAPO Agriculture Multi-sectoral People Cooperative na siyang first runner-up. Sa Basic Category, ang winner naman ay si Freddy Ga.

Sa Government Service si Leonila G. De Jesus ang winner samantalang si Norma Villar ang 1st runner up. at sa Professonal Sector ay si Cecillia Liao ang winner at si Marcarietta Falla naman ang first runner up.

Bawat isang winner ay tatanggap ng P5,000 cash prize, certificate at plaque, P3,000 cash prize, certificate at plaque para sa 1st Runner-up, P10,000, certificate at plaque sa Group Winner at P5,000, certificate at plaque para sa Group Winner first runner-up.

Ang UNA awards ay ginanap nitong Nobyembre 8. (LP)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch