No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Intensive aquaculture farming, isinusulong ng DOST Mimaropa

Itinataguyod ng Department of Science and Technology – Mimaropa  sa Oriental Mindoro ang intensive Aquaculture farming: ang maramihang pagpapalaki ng isda o hipon kahit maliit ang espasyo.

Isang halimbawa ng intensive aquaculture farming ay ang makabagong palaisdaan ng  Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan at Mangingisda ng Sitio Bucana 0 SNKMB sa Sitio Bucana, Barangay San Jose, Roxas, Oriental Mindoro.

Sila ay gumagamit ng Recirculating Aquaculture System o RAS Technology.

Masasabing makabago ang palaisdaan dahil ang RAS Technology ay may kakayahang salain at linisin ang tubig sa pabilog na kongkretong tangke, may automated aeration system at solar powered pa.

Ang lamang ng ganitong pasildad  sa karaniwang palaisdaan o fish pond  ay makapag-aani ng isda o kaya hipon sa kahit anong panahon, ayon kay Provincial Science and Technology Center Oriental Mindoro Director Jesse Pine.

Ayon kay SNKMB Chairperson Robinhood Veloso Jr., noomng Pebrero sila nakakuha ng may 100,000 semilya o fries ng suwahe (white-leg shrimp o Litopenaeus vannamei) at inaasahan nilang makakapag-ani na sila sa bandang Hunyo.

Nagawang makapagpatayo ng pasilidad ang SNKMB sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST Program) ng DOST.

Ang RAS Technology ay produkto naman ng kumpayang  Agritektura Enterprises na isang SETUP (Small Enterprise Technology Upgrading Program) ng DOST Mimaropa.

Ang pagiimbak naman ng mga suwahe ay libre sa tulong ng Municipal Agriculture Office ng Roxas at ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. (LP)

Sinisipat ng isang miyembro ng SNKMB ang kanilang mga pinalalaking hipon. (Larawan mula sa DOST Mimaropa)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch