No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bata, bata, tuli ka na ba?

Si Alden, 11, nasa Grade 6 palang pero kung iyong titigan ay binatang binata na, idagdag pa na malaking bulas ito at tinutubuan na rin ng pinong bigote.

Sa tuwing sinasabihan siya ng “pogi” ng kanyang mga kabarkada ay may biglang magsasabi ng “supot naman”.

Sa halip na matuwa ay maiinis ito subalit nagtitimpi lamang siya sapagkat totoo namang hanggang ngayon ay hindi pa siya tuli.

Kamakailan ay niyaya siya ng kanyang barkada para mag-swimming pero tumanggi siya dahil ikalawang araw palang mula nung siya ay matuli at medyo kumikirot parin daw.

Bagama’t isang nurse ang kanyang ina ay hindi naman daw niya mapilit si Alden na magpatuli hanggat hindi pa ito handa kung kaya’t noong kinantiyawan ito at halos maiyak sa sama ng loob ay sinabayan na ng ina na yayain itong magpatuli.

Para kay Alden, mataas na ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili mula nang matuli at hindi na siya mahihiyang magsabing hindi siya supot.

Para naman kay Vanessa, ina ng nagbibinatang si Gavino, humigit kumulang isang libo din umano ang magagastos kapag pinatuli niya ang kanyang anak kung kaya’t bilang isang plain housewife ay maghihintay nalang umano siya ng libreng tuli,  kaya naman hindi niya papalampasin ang imbitasyon ng Cagayan Valley Medical Center para sa isang Free Operation tuli ngayong buwan.

Sa ika-77 taong anibersaryo ng CVMC ay ipagkakaloob ang libreng tuli sa unang 150 na magpalista edad siyam pataas.

Pangungunahan ni Dr. Wilmer Molina ng Surgery Department ang nasabing pagtutuli na gaganapin sa CVMC Out-Patient Department.

Ito ay gaganapin sa tatlong magkakasunod na Sabado at Linggo o sa June 11-12, 18-19 at 25-26, 2022.

Ayon naman kay Arlene, guardian ng dalawang nagbibinatang pamangkin ay hindi niya papalampasin ang pagkakataong ito upang ipatuli ang kanyang dalawang pamangkin na magha-high school na sa darating na pasukan sapagkat ayon sa kanya, napakamahal magpatuli sa mga private hospital o clinic at malaking bagay na makatipid siya para sa pagpapatuli.

Payo naman ni Ian sa bayan ng Amulung, isa sa mga nebenipisyuhan ng libreng tuli sa St. Vincent Ferrer Parish, idinaan umano niya sa pagkanta ang takot kung kaya’t panay ang kanyang birit habang nakahigang tinuli.

Ayon sa kanya, hindi naman daw pala masakit ang matuli sapagkat  may anesthesia o pampamanhid na ituturok upang hindi maramdaman ang sakit. Taliwas ito sa kanyang paniniwala na masakit ito.

Naalala kasi niya ang kuwneto ng kanyang tatay na tradisyunal na paraan ng patuli sa kanya noon kung saan ginagamit ang matalim na labaha o kutsilyo at sangkalan sabay pinapanguya ng murang dahoon ng bayabas kung saan ito ang ipapahid sa aring kakatuli.

Sa Pilipinas, ang pagtutuli ay prosesong kailangang pagdaanan ng mga lalaking malapit nang magbinata.


Ito ay isang minor surgical procedure na kadalasang ginagawa sa mga batang edad siyam pataas lalo na tuwing sasapit ang Abril kung saan bakasyon ng mga bata at walang pasok sa paaralan. Ito ang panahong naaayon dahil nabibigyan ng sapat na pagkakataong mahilom ang sugat. (OTB/GVB/PIA-Cagayan)

About the Author

Gene Baquiran

Writer

Region 2

I am simply amazing.

Feedback / Comment

Get in touch