No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog Feature: Pagsuot ng Filipiniana gawa sa katsa, adbokasiyang pangkalikasan ni VM Socrates

Si Vice-Mayor Maria Nancy M. Socrates sa inaugural session ng Sangguniang Panlunsod ng Puerto Princesa City noong Hulyo 4. (Larawan ni Mike Escote, PIA Palawan)

Naging agaw-pansin ang kasuotan at bitbit na bayong bag ni Vice-Mayor Maria Nancy M. Socrates sa inaugural session ng Sangguniang Panlunsod ng Puerto Princesa City noong Hulyo 4. Ang Filipiniana kasi niyang suot ay gawa mula sa ‘Katsa’ o sako ng harina habang ang bitbit nitong bag naman ay bayong na yari sa pandan na ginagawa ring banig.

Ayon kay Bise-Alkalde Socrates, maliban sa nais niyang maiba at dahil siya ay fan ng Ara Pilak, ang local company na gumawa nito, naisip niya ring bigyang-diin ang kaniyang environmental advocacy. Ito ay ang 4Rs na ang ibig sabihin ay 'Recycle, Reuse, Reduce at Recover'.

“Alam niyo rin naman na may environmental advocacies ako, kaya ito ay pagbibigay-diin sa aking environmental advocacy, (its) reusing, recycling,” saad pa niya.

Ayon pa sa kaniya, bilang isa sa co-author ng single-use plastic ordinance ng siyudad, kaniyang isusulong muli ang pagpapatupad nito matapos na hindi ituloy noong taong 2019 dahil sa Covid-19 pandemic at nang hindi naman mahirapan ang mga mamamayan. Patuloy rin aniya ang kaniyang adbokasiya sa pagtatanim ng mga punong kahoy, kawayan at bakawan pati na ang pamamahagi ng mga seedlings ng mga fruit trees.

Mag-iisip rin aniya siya ng mga ordinansyang makikinabang ang kapaligiran dahil ‘panic mode’ na aniya siya kasi noong pinasiyaan ang ‘water source’ sa Barangay Montible ay sinabi aniya ng mga taga-Puerto Princesa City Water District (PPCWD) na tatagal lamang ito hanggang sampung taon, kaya kailangan planuhin kung saaan kukuha ng tubig pagkalipas ng panahong yun. (MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch