No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ang Brigada Eskwela ay purely volunteerism - Cariño

 Binigyang-diin ni Department of Education - Cordillera Regional Director Estela Cariño na ang Brigada Eskwela ay purely volunteerism o pagboboluntaryo para sa ikagaganda ng mga paaralan at masiguro na ligtas ang mga mag-aaral.
 
Sa Brigada Eskwela kickoff sa lungsod nitong Biyernes (Agosto 12, 2022), pangunahing pagtutuunan ng pansin ay ang kalinisan lalo na at bukod sa COVID-19, banta ngayon sa kalusugan ang dengue.

Si DepEd-CAR Regional Director Estela Cariño sa ginanap na Brigada Eskwela Kickoff sa Baguio City nitong Agosto 12, 2022.

"Availability of clean comfort room, clean surroundings, safe classrooms, safe chairs, and of course, the readiness of our learners physically, mentally, emotionally as well as academically based on their reading level as well as reading comprehension level, literacy, and numeracy," ani Cariño.

Iginiit naman nito na hindi nila hinihikayat ang mga guro na mag-solicit ng pera upang may magamit sa paaralan. Tumatanggap aniya sila ng donasyon pero hindi dapat mag-solicit ang mga guro.
 
"It should no longer be the practice, otherwise, the purpose of Brigada Eskwela, which is voluntary in nature, is defeated," sabi ng opisyal.
 
Ayon pa kay Cariño, hindi nila hinihikayat ang mga magulang na magbigay na lamang ng pera kapag hindi sila nakibahagi sa Brigada Eskwela. Hindi rin umano mandatory at wala ring itinakda na halaga ng pera na kailangang bayaran ng mga magulang kapag hindi sila nakalahok sa Brigada.

Aniya, malaking hamon ang pagbubukas ng klase ngayong taon lalo pa at ipatutupad na ang full in person classes simula sa Nobyembre 2. Para sa matagumpay na pagbubukas ng klase, inihayag ni Cariño na kailangan ang pagtutulungan ng lahat ng stakeholders at ng komunidad.
 
"We will, little by little, go back to the new normal but still, being able to provide quality education to our learners because as we always say, if we want quality education, it should not be just DepEd, it should be the responsibility of the entire community," saad ni Cariño.
 
Kasabay ng kickoff program, ipinasakamay ni Cariño, sa pamamagitan ng Regional Office on Wheels, ang mga sanitation at health kits sa Guisad National High School at Bonifacio Elementary School.
 
Na-turn over din sa Baguio City High School ang 500 plastic chairs, sanitation at health items mula sa mga private donors. (JDP/DEG-PIA CAR)

(Photo: DepEd-CAR)
(Photo: DepEd-CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch