Ang 7.8 kg Orconuma Meteorite ay makikita sa Godofredo Alcasid Function Hall ng National Museum of Natural History sa Rizal Park, Manila. Larawan mula sa MGB website.
Isa lamang ang bulalakaw na natagpuan sa barangay Orconuma, Bongabong, Oriental Mindoro sa anim na naka rehistrong bulalakaw sa tanggapan ng Meteoritical Society’s Bulletin Database. Natagpuan ito noong 2011 nina Fredo Manzano, Edgar Francisco Sr., at Enrico Camacho, mga magsasaka ng naturang barangay habang sila ay nag tatanim sa palayan.
Nakita ng grupo na may nagliliyab na bagay na nahulog mula sa kalangitan na sinundan nang malalakas na pagsabog, kung kaya’t pinuntahan ito ng grupo kung saan nila nakita ang nagliliyab na bato.
Noong Oktubre 2021, kinumpirma ng International Society for Meteorics and Planetary Science na ang naturang bato ay isa ngang bulalakaw.
Ang 7.8 kg Orconuma meteorite ay ang kauna-unahang sample na inilagay sa National Geological and Paleontological Collections of the National Museum of the Philippines (NMP). Kinalaunan ito ay ibinenta kay John Higgins at Jasper Spencer, mga kolektor mula sa ibang bansa. Ibinigay naman ng dalawa ang ilang piraso mula sa bulalakaw sa NMP na pinamahalaan ni Aubrey Whymark, isang geologist, noong Hulyo 8, 2022.
Ipinakita ang Orconuma Metoerite sa publiko sa Godofredo Alcasid Function Hall ng National Museum of Natural History sa Rizal Park, Manila. Pinamagatan ang naturang aktibidad na Gift to Nation, ORCONUMA: A piece of Space sa pangunguna ng NMP. Sinaskihan ang naturang okasyon ng ilan sa mga kawani ng Geological Laboratory Services Section (GLSS) ng Lands Geological Survey Division (LGSD) at Mines and Geosciences Bureau (MGB). (JJGS/PIA MIMAROPA)