Ano nga ba ang iba’t ibang uri ng scam o social engineering attack?
Una, phishing attack kung saan kinukuha ang personal mong impormasyon, password at iba pa na maaaring sa pamamagitan ng links o malwares.
Pangalawa, smishing attack o pagtanggap ng spam messages sa pamamagitan ng text o text scam.
Pangatlo ay ang bishing attack kung saan nakatatanggap ng tawag ang biktima mula sa isang scammer na "too good to be true" ang mga pahayag.
Sa taong 2021, ayon sa TransUnion’s Consumer Pulse Study mahigit 48% sa 1,100 adult respondents sa Pilipinas ang nabiktima na ng digital fraud.
Ayon din sa kanilang datos, nagunguna ang phishing scam (40%) sa bansa na narasan ng mga mamimili. Mahigit 29% naman ang sumagot na naging biktima sila ng third party scams mula legitimate online retail websites.
Yung pera mo hindi mo sigurado kung nakanino na pero ang gigil ng iyong kapamilya kung isa ka sa nabiktima nito ay ang pinaka-sigurado.
Masakit pa sa heartbreak, mapapa hawak ka na lang sa tapat ng dibdib mo, at sabay sabi ng famous line ni Bea Alonzo sa Four sisters and the wedding na,’’Bakit parang kasalanan ko?.’’
Paano nga ba ito maiiwasan?
Sa pahayag ni Balin ang dapat na gawin ay:
· Alamin kung fake account ang ginagamit ng seller,
· Tingnan ang dami ng reviews ng nauna pang consumer,
· Igiit ang seguridad ng transaksyon online,
· Maghanap ng quality assurance sa secondary markets,
· Siguruhin din na huwag basta bastang ibibigay ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pag download ng malwares at:
· Huwag pindutin ang kahina-hinalang links/URL online.
‘’Ang karaniwang reklamo na natatanggap namin ay online scams, staffa o panloloko ng mga indibidwal, libel, identity theft at sextortion,’’ani Balin.
Dahil sa digital advancement ng panahon aba, hindi rin magpapatalo ang mga manggagantso para makapang-biktima.
Kaya naman,’’ngayong taon mahigit 50 kaso ng staffa at online scam ang under investigation, 35 kaso ang iba’t ibang reklamo mula sa konsyumer at 33 kaso ang na-resolba ng DTI Albay,’’ayon kay Senior Trade and Industry Development Specialist Alexandro Novora ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay.
Dagdag din ni Novora na siguruin ng Digital consumers na ang online business ay naka rehistro, hindi lang sa DTI kundi pati na rin iba pang kinauukulang ahensya.
Kung ikaw naman ay nabiktima ng mga modus online, isumbong agad yan sa tanggapan ng PNP Anti-Cybercrime Unit.
Matatagpuan ito sa Legazpi Camp-Ola PPO building o tumawag sa kanilang hotline na 09985988104.
Panawagan din ni Barin sa mga nangbibiktima na, gamitin ang kanilang kakayahan sa tamang pamamaraan at huwag mangbiktima ng kanilang kapwa. (PIA 5/Albay)