No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Magandang ani ng kape sa Cabuyao

LUNGSOD NG CABUYAO, Laguna (PIA) — Higit dalawang tonelada ng kape ang naibenta ng mga miyembro ng Casile-Guinting Upland Marketing Cooperative ngayong Enero na siyang harvest season sa Cabuyao.

Mas marami ang inaani ng mga magsasaka ngayong taon kumpara noong 2022 bunsod ng naging epekto ng Bagyong Paeng sa mga pananim.

Para sa mga magsasaka, lubhang nakatulong ang mga suporta at programang ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) IV-A at Cabuyao LGU sa muling pagpapasigla ng industriya ng kape sa Brgy. Casile.

Bukod sa mga libreng tanim, nakatanggap din ng multi-level solar coffee dryers at multi-commodity solar dryers ang mga magsasaka mula sa DA High Value Crops Development Program (HVCDP) at greenhouse-type solar dryer na benepisyo ng mga magsasaka mula sa programang Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng DA-Philmech.

Bukod sa DA IV-A at lokal na pamahalaan ng Cabuyao, nakatanggap rin ang Casile-Guinting Upland Marketing Cooperative ng mga proyekto at paggabay mula sa Department of Trade and Industry (DTI) IV-A, Department of Agrarian Reform (DAR) IV-A, Department of Science and Technology (DOST) IV-A, at Department of Labor and Employment (DOLE) IV-A upang masigurong naipagpapatuloy at napapaunlad pa ang industriya ng kape sa lungsod mula sa pag-ani ng mga ito, pagpo-proseso ng mga beans, hanggang packaging at marketing.

Ayon sa Cabuyao City Agriculture Office, tuluy-tuloy ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng industriya ng kape. Hinimok din ng departamento na suportahan ng publiko ang produkto ng mga coffee farmers ng Brgy. Casile. (CH/PIA-Laguna)

Isa sa mga natanggap ng mga magsasaka mula DA-Philmech ang isang greenhouse-type solar dryer na ngayo'y ginagamit para sa patas at mas mabilis na pagpapatuyo ng coffee berries. (Cabuyao Agriculture Office)

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Provincial Information Center Manager, PIA Laguna

Feedback / Comment

Get in touch