No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bicolana, top 2 sa 2023 Architect Licensure Exam

Legazpi City, Albay (PIA) – Bagaman’t inabot ng pitong taon bago makapag-board exam, sulit ang mahabang panahon ng paghihintay matapos maging ganap na architect at 2nd placer pa ang isang Bicolana mula sa Daraga Albay.

Si Shanna Mae Bercia Goyena, mula sa Sagpon, Daraga Albay, ang Top 2 sa January 2023 Architect Licensure Exam, mula sa 1,980 passers at 3,473 total examinees.

Ayon kay Goyena, mahabang panahon ng pag-aaral at mahirap na review period ang pangunahing  pagsubok na kanyang hinarap.

''The challenges were, first the long journey we had before taking the boards. We have 5 years in college and 2 years of post-baccalaureate diversified training. Then another is the review period. Sobrang habang panahon bago kami payagan mag take ng board exam," ani Goyena.

“Sa mga student architects, laban lang. Kung gusto nila ang architecture at nag-eenjoy sila sa ginagawa nila kahit mahirap, makakaya nila itawid ang pitong taon,” dagdag niya.

Si Goyena ay mula sa Sagpon,Daraga Albay. Nagtapos siya ng elementarya sa Bicol College Elementary at ang sekondarya naman sa Bicol University High School.

Motibasyon niya sa pag aaral ang naising makatulong sa kaniyang pamilya. Siya ay panganay sa dalawang magkapatid.

“Gusto ko na makatulong kina mama at papa. Kasi sa loob ng mahabang panahon na nag-aral ako, gusto ko naman na ibigay sakanila kung ano ang ibinigay nila sakin," saad niya.

“Siguro kung may moment man na nahihirapan ako, andyan yung family ko na ready to support sa kung ano ang gusto ko gawin kaya thankful ako sa kanila,” dagdag niya.

Aniya, ngayong ganap na siyang architect, bukas siya sa anumang oportunidad na makapagtrabaho para makabawi sa ginastos niya sa pag aaral.

Si Shanna Mae Bercia Goyena, graduate ng Bicol University Institute of Design and Architecture, ang 2nd placer sa 1,980 passers mula sa 3,473 examinees ng January 2023 Architect Licensure Exam.


(With reports from Judith N. Valenzuela/ PIA5/Albay)


About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch