No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Valentine's gift idea: Tsokolateng gawang lokal

May panregalo na ba kayo sa inyong mga partner ngayong Araw ng mga Puso o Valentine's Day? Kung wala pa, narito ang pruduktong pasok na sa budget, pasok pa sa "Go Buy Local" na programa ng lokal na pamahalaan ng Odiongan at ng Department of Trade and Industry (DTI) — ang tskolateng lokal na gawa ng Romblon Cacao Agriculture Cooperative o ROCACO.

Ang mga tsokolateng ito ay gawa sa Shared Service Facility na inilagay ng DTI sa bayan ng Odiongan, Romblon katuwang ang lokal na pamahalaan kung halos P2-million na pondo ang inilaan ng ahensya para sa pagbili ng mga makabagong teknolohiya para masigurong masarap at may kalidad ang mga magiging produkto ng mga cacao farmers.

Puwede ring gawing hot chocolate drink ang mga produktong gawa ng ROCACO. (PJF)

Sa panayam ng PIA Romblon kay Engr. Dominic Cabral, chairman ng ROCACO, ipinaliwanag nitong mula mismo sa mga magsasaka sa buong probinsya ang kanilang mga binibiling mga cacao kaya ang pagbili ng produkto nila ay higit na makakatulong sa mga magsasakang Romblomanon.

"Ini-encourage ko 'yung mga lovers na ipakita nila 'yung kanilang pagmamahal gamit 'yung lokal na tsokolate natin," pahayag pa ni Engr. Cabral.

Magandang ideyang panregalo rin ang mga lokal na tsokolate kung sasamahan mo ng mababangong bulaklak.

Ang Romblon Cacao Agriculture Cooperative o ROCACO ay isang kooperatiba na binuo para sa adhikain ng Department of Trade and Industry na magkaroon ng cacao processing sa probinsya ng Romblon na siguradong makakatulong sa mga magsasaka ng cacao rito.

Pebrero 3 nang pormal nang agurahan ng DTI at ng LGU Odiongan ang shared service facility na matatagpuan sa Odiongan Public Market. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch