No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Alamin: Iba't ibang benepisyo ng PWD Card

Sa panahon ngayon, marami na ang mga tulong at benepisyo na makukuha ng isang Pilipinong may kapansanan o persons with disabilities (PWD) mula sa gobyerno at ilang mga pribadong kompanya.

Sa panayam ng PIA Romblon kay Cyril Dela Cruz, ang bagong talagang PDAO head ng probinsya, sinabi nito na madami na ang dagdag sa mga benepisyo ng mga PWD katulad ng Republic Act 10754, isang batas na nagbibigay sa mga taong may kapansanan ng exemption sa value-added tax ng ilang produkto at serbisyo.

Paalala ni Dela Cruz, maliban umano sa mga PWD ID ay kailangan rin kumuha ng PWD medical booklet sa mga opisina ng Municipal Social Welfare and Development Office para ma-avail ang diskwento sa mga gamot.

Maliban rito, may iba pang benepisyo ang mga PWD katulad ng tulong sa kanilang pag-aaral mula elementary hanggang kolehiyo. May benepisyo ring ibinibigay ang mga Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at Pag-IBIG.

Sinabi pa ni Dela Cruz na may batas na rin para bigyang proteksyon ang mga PWD laban sa mga pananalita na may pangugutya at paninira.

Nagbibigay rin ang pamahalaang panlalawigan ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P15,000 depende umano sa proyekto na panukala ng isang benepisyaryo.

Panawagan ni Dela Cruz sa mga PWD, tumungo na sa kanilang Municipal Social Welfare and Development Office at magparehistro na para matanggap nila ang mga benepisyong kaloob ng pamahalaang panlalawigan at ng gobyerno. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch