Dagdag niya, mas masakit daw ang makantiyawan siya ng "supot".
Samantala, nagbigay naman ng babala ang mga doctor na panatilihin nilang malinis ang bagong tuli nilang ari at huwag maglagay ng kung anu-ano upang hindi ito maimpeksiyon.
Excited naman si Jake sa maaaring pagbabago sa kanyang katawan sa mga darating na araw.
Sa Pilipinas, kadalasang ginagawa ang pagtutuli bago magbinata ang isang lalaki o 'di kaya ay habang sanggol pa ito.
Ito ay bilang good hygiene pactice.
Ayon kay Dr. Ma. Angelica Taloma o mas kilala bilang Doc Nica kung saan isa sa mga volunteer works niya ay ang pagbibigay ng libreng tuli, malaki umanong tulong ito lalo sa mga nasa liblib na lugar upang miligtas ang mga bata sa panganib at impeksyion.
Payo rin niya sa mga kabataan na huwag katakutan ang pagpapatuli at inihalimbawa nito ang isa niyang pasyente na bumibirit sa pagkanta habang tinutuli upang maibsan ang kaba.
Sa isang artilulo, ayon kay Dr. Lulu Marquez, may mga taong ayaw magpatuli dahil sa kanilang kultura o personal na kadahilan pero paalala niya, dapat handa umano ang mga ito sa maaaring komplikasyon ng hindi pagpapatuli.
Isang medikal na kondisyon na kung tawagin ay "Phimosis" kng saan hindi mo ma-retract yung extra balat mula sa ulo ng ari. Hindi umano nakakatulong ang extra na balat para sa good penetration tuwing nakikipagtalik at bukod sa hindi nahahatak ang sobrang balat ay puwede rin "mangamatis" ang aring hindi natuli.Maaari ring pamuuan ng dumi ang nasabing balat.
May tinatawag ding "balanitis" o pamamaga ng glans o ulo ng ari na maaaring ma-trigger sa lalong pangangamatis kung nandoon pa ang balat.
Paliwanag pa niya na malaki ang tsansang dapuan ng human immunodeficiency virus (HIV) at human papillomavirus (HPV) ang mga lalaking hindi tuli.
Paalala niya sa mga magulang, dalhin ang bata sa doktor at huwag ipaubaya sa nakagawiang "de-pukpok" at sabay duduraan ng nanguyang dahon ng bayabas. (OTB/GVB/PIA Cagayan)