No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pakapya-Agtike Festival, muling aarangkada

Ipinamamalas sa malikhaing paraan ang pagpapasalamat ng mga mamamayan ng Socorro sa kanilang patron para sa masaganang ani na kanilang natatamo. (Larawn mula sa Oriental Mindoro Tourism Office)

Muling ipagdiriwang ngayong taon ng bayan ng Socorro ang Pakapya-Agtike Festival kasabay ang ika-60 taong pagkakatatag ng naturang bayan.

Nagmula ang salitang Pakpya-Agtike sa salitang Tadyawan Mangyan na ang ibig sabihin ay ‘masaganang ani.’

Ito ay matapos ng dalawang taon na pagkakatigil dahil sa pandemyang Covid-19. Huli itong ipinagdiwang noong Hunyo 22, 2019 kung saan dinaluhan ito ng libu-libong mga tao hindi lamang ng mga mamamayan ng Socorro at Oriental Mindoro, at maging sa labas man ng lalawigan.

Ang Pakapya-Agtike Festival ay isang selebrasyon ng pasasalamat ng mga mamamayan ng bayan ng Socorro sa masaganang ani na kanilang natatamo. Ipinagdiriwang ito tuwing ikatlong linggo ng Hunyo bilang pagpaparangal sa patron ng naturang bayan, ang Holy Family. Ilan lamang sa ipinagpapasalamat ng mga mamamayan ay ang masaganang ani ng bigas, gulay, prutas, at mga lamang dagat.

Ilan din sa mga tampok na gawain dito ay street dancing competition na nagpapamalas ng pasasalamat.  (JJGS/PIA Mimaropa-OrMin)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch