No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tubig ng Pagbabago

Puno ng pag-asa ang mga mamamayan at maging ang mga opisyal mula sa mga bayan ng Sto. Nino at Lasam matapos pormal na maisagawa ang ground-breaking ng isang P1.7 billion project ng National Irrigation Administration (NIA) - ang Calapangan Small Reservoir Irrigation Project sa Barangay Abariongan Uneg, Sto. Nino, Cagayan.

Sa ilalim kasi ng Irrigation Project na ito ay 887 na magsasaka ang mabebenepisyuhan at aabot sa 1,715 na ektarya ng mga bukirin ang kayang suplayan ng tubig mula sa irigasyon.

Ito ang mga bukiring umaasa sa tubig ulan at patubig ngunit kailangan pang gastusan ng gasolina upang makapagtanim ng dalawang beses sa isang taon.

Isang makasaysayang araw ang groundbreaking na ito ang hudyat ng pagsisimula ng proyekto.

Ayon Kay Sto. Nino Mayor Vicente Pagurayan, isa itong araw na magsasara ng kahirapan at magbubukas ng isang magandang buhay para sa mga magsasaka at sa kanilang mga pamilya.

Hangad ng proyektong maitas ang produksiyon mula 4 metric tons hangang 5.5 metric tons bawat ektarya.

Maliban sa palay ay posible din ang pagpapatayo ng fishpond at fishcage sa reservoir na may kabuuang 18 hectares. Ito rin ay magiging karagdagang kabuhayan sa mga magsasaka.

Kapag matapos ang dry season ay maaari ring tamnan ng monggo ang mga bukirin na dagdag pgkain at kita.

Karamihan  dito ay pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay at pinagkukunan ng pampaaral sa mga anak subalit sa pagpapatayo ng proyekto ay maraming oportunidad ang magbubukas kasama na ang karagdagang trabaho.

Ayon kay NIA Acting Administrator Eduardo Eddie Guillen, bilang isang taga Cagayan ay alam niya ang kahalagahan ng patubig sa mga magsasaka kung kaya't sisikapin niyang mapabilis ang pagpapatapos ng proyekto mula sa apat na taong target ay gagawin niya itong tatlong taon.

Ayon pa sa kanya, hangad umano ng Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na maparami pa ang mga irrigation projects sa taong ito para makamtan ang mas mataas na produksiyon. Kasama na rin dito ang hangad na palakasin ang mga irrigators association sa bansa at buuin sila bilang kooperatiba upang maaari silang makapagnegosyo sa larangan ng agrikultura.

Para sa mg magsasakang dumalo,buo ang kanilang loob na sa pamamagitan ng proyekto ay mababago ang kanilang buhay.

Nangako naman si 2nd District Representative Baby Aline Vargas Alfonso na patuloy niyang babantayan ang budget at suportahan ang proyektong ito na anya ay napakalaking tulong sa kanyang distrito lalo pa't 12 barangay ang masasakupan ng irigasyon. (OTB/Gene V. Baquiran/PIA Region 2)

About the Author

Gene Baquiran

Writer

Region 2

I am simply amazing.

Feedback / Comment

Get in touch