Sa oras na matapos ang Metro Manila Subway Project (MMSP), na may bilis na 80kph, asahan ang mas maikli, kumbinyente, at kumportableng biyahe mula at patungong Valenzuela City hanggang NAIA Terminal 3— dahil magiging 41 minuto na lamang ito, kumpara sa kasalukuyang biyahe na isang (1) oras at tatlumpung (30) minuto.
Inaasahang mahigit 519,000 pasahero kada araw ang gagamit ng subway sa unang taon ng serbisyo.
Bukod a bilis, comfort, accessibility, at advanced features nito, alam n’yo ba na mayroon ding disaster-resilient features at cutting-edge facilities ang ating subway?
Ayon sa DOTr, hindi ‘yan basta-basta lang, dahil advanced technology mula pa sa Japan ang ginamit sa pagtatayo nito.
Dagdag pa rito, seamless connectivity din ang hatid nito para sa ating mga mananakay, dahil konektado rin ang subway sa mga istasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3, MRT-7, at PNR.
At soon, sa future MRT-4 at North-South Commuter Railway (NSCR) Project na rin. Konektado na sa Metro Manila, konektado pa sa Central Luzon at Southern Tagalog!
Maliban d’yan, accessible rin mula sa mga istasyon ng subway ang mga land-based transport modes, tulad ng bus, taxi at PUVs.
Tingnan ang latest progress photos ng kauna-unahang subway ng bansa!