No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Salamat, Kadiwa ng Pangulo

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) -- Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magsasaka at mamimili na natulungan ng Kadiwa ng Pangulo na isinagawa sa Albay Farmers Bounty Village sa Camalig, Albay,  Lunes,  Hulyo 17, bilang pakikiisa sa nationwide launching nito.

Nakiisa ang lalawigan ng Albay sa nationwide launching ng Kadiwa ng Pangulo nitong Hulyo 17 sa Albay Farmers Bounty Village sa Camalig, Albay.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Bicol Regional Director Atty. Arnaldo E. Escober Jr., nasa 40 Small Medium Enterprises (SME's) sa Albay ang lumahok sa nasabing aktibidad. Sa Camarines Norte ay 65, Camarines Sur -38 at Catanduanes - 46.

Mas mataas na kita

Ayon kay Sheryl Javier Conda, pangulo ng Vegetable Farmers Organization sa Tiwi Albay, natulungan sila ng Kadiwa stores na makapagbenta ng mas mabilis at mas maraming produkto kumpara sa mga nakalipas na taon na wala ang nasabing programa.

Ayon kay Sheryl Javier Conda, pangulo ng Vegetable Farmers Organization sa Tiwi Albay, mas mabilis at mas mataas na kita ang naitulong sa kanila ng Kadiwa ng Pangulo.

"Nakakarating sa amin ang Kadiwa ng Pangulo. Natutulungan kaming magbenta ng mga produkto na nadadala namin kung saan-saan. Malaking tulong saamin na napapabilis ang pagbenta namin ng aming produkto," ani Javier.

Tampok sa Kadiwa ng Pangulo sa Albay ang mga local produce ng mga magsasaka kabilang na ang cherry tomatoes na isa sa mga karaniwan at madaling palaguin na halamang prutas.

Laking-tuwa rin ni Zosi Solano, micropreneur mula sa Gogon, Legazpi City na maibida ang kanyang mga gawang produkto.


"First time ko na mag-join dito sa Kadiwa ng Pangulo para ma-promote din ang aking munting kabuhayan. Yan ang aking Prospera food products, pickled mushroom at peanut butter mushroom," ani Solano.

Tipid at mas mura

Dagdag ipon naman ang naitulong ng Kadiwa kay Sylvia Sallan, mamimili mula sa Camalig, Albay.

"Natutulungan ako kasi mura yung mga bilihin. Example bumili ako ng talong kanina sa market P50 plus, ngayon po P35 lang per kilo kaya maraming discount, makaka-save tayo ng konti," ayon kay Sallan.

Maliban pa sa mga mura at sariwang prutas at gulay, tampok din sa Kadiwa ng Pangulo ang Diskwento Caravan ng DTI Albay na naghahatid ng mura at discounted na basic commodities.

Ayon naman kay Gemma Apuli, magsasaka mula sa Brgy. Tamaoyan sa Legazpi City, nakatulong ang nasabing programa di lamang sa pagbebenta ng kanilang produkto kundi pati na rin sa pagbili ng mga murang produkto.

"Malaking tulong ito para sa mga magsasaka lalo na kung sa mga produkto na na-haharvest namin lagi, mga sarili namin na tanim kaya mura lang ang presyo. Syempre malaking tulong ito sa amin hindi lang sa farmers kundi pati na rin sa lahat ng tao," pahayag ni Apuli.

Ang KADIWA o 'Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita" ay isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Bongbong Marcos na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka at negosyante na magkaroon ng mas mataas na kita dahil kanilang direktang naibebenta ang kanilang mga sariwa at dekalidad na produkto sa mga mamimili sa murang halaga. (With reports from Cyryl Montales/PIA5/Albay)

About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch