No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bicol coconut products ibinida sa DTI Trade Fair

Legazpi City, Albay (PIA) -- Itinampok ng 41 na magsasaka at agripreneurs ang iba't ibang produkto mula sa niyog sa isinagawang Bicol Coconut Trade Fair ng Department of Trade and Industry Region V sa SM City Legazpi mula Agosto 24 hanggang 27.

Ayon kay DTI Bicol Regional Director Dindo Nabol layunin ng nasabing aktibidad na isulong ang industriya ng niyog sa rehiyon.

Aniya, ang coconut trade fair ay marketing and market promotion component ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CDFIP). Ito ay kanilang ipinatutupad bilang bahagi ng market development programs para sa mga magsasaka at iba pang stakeholders sa coconut industry.

Saad ni DTI Bicol Information Officer Jocelyn Romano - Berango, umabot sa 646, 125 ang total sales ng trade fair.

PINAGMULAN | Tampok ang iba’t ibang produkto gamit ang materyales mula sa Bicol coconut trade fair ng Department of Trade and Industry sa SM City Legazpi nitong ika-24 hanggang 27 ng Agosto.

Ayon kay Philippine Coconut Authority Bicol (PCA) Director Mateo Zipagan karamihan sa mga exhibitors ay benepisyaryo ng kanilang mga programa.

Saad ni Zipagan, nakakapag-produce ang rehiyon ng dalawang bilyon na niyog sa loob ng isang taon.

"Out of the 2 billion, mayroon tayong reserbang mga 600 million nuts,'' ani Zipagan.

Kanya ring siniguro na sapat ang raw materials para sa mga produkto ng niyog sa rehiyon.

Salamat coconut

Malaki ang pasasalamat ni Robert Monteon ng Monteon's Handicraft mula sa lalawigan ng Sorsogon sa naitulong ng niyog sa kanyang pag-aaral at pangangailangan ng kanilang pamilya.

Isa si Monteon sa 41 exhibitors sa Bicol Coconut Trade Fair ng DTI Region 5 sa SM City Legazpi na ginawa mula Agosto 24 hanggang 27.

'Thankful [kami] kasi mas na-showcase yung mga products ng [negosyo] namin at nakikilala locally and nationally," ani Monteon.

Aniya, siya ang inatasan ng kaniyang ama na lumahok sa nasabing trade fair upang i-promote ang kanilang mga produkto.

"Actually yung negosyo namin ay nagsimula since binata pa si Papa. Nasa handicraft na po siya and pati na rin po si mama yun po naging business na po namin talaga,'' saad ni Monteon.

KABUHAYAN | Isa si Robeth Monteon ng Monteon's Handicraft mula sa lalawigan ng Sorsogon na nakilahok sa Bicol coconut trade fair ng DTI, ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa tulong nito upang makilala ang kanilang produkto sa lokal at nasyonal na merkado.

Kwento niya, ang kanilang negosyo ay sinimulan taong 2013 kung saan ito ang sumuporta sa kanilang mga pangangailangan hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa pagtapos ng kaniyang pag-aaral.

"Mahigit 20 trade fairs na ang aming nalahokan. [Ngayon] nasa Manila si papa kasi nasa national trade fair siya," saad ni Monteon.

Ani Monteon, ang mga materyales ng mga produktong gawa sa buko ay mula sa kanilang coconut farm sa Bayasong, Pilar, Sorsogon samantalang ang ilang materyales naman sa paggawa ng lpmpara ay mula sa Rapu-rapu, Albay.

"Lahat po kami marunong sa paggawa ng handicrafts, kahit noong nag-aaral pa ako ay gumagawa kami niyan," ani Monteon.

Ilan sa kanilang mga produkto ay birds' nest na gawa sa bunot ng niyog, lampshade, at trays. (CLM/SAA/PIA5/Albay)

About the Author

Cyryl Montales

Writer PIA/Albay

Region 5

Amor Fati

Feedback / Comment

Get in touch