Isa ka ba sa mga mahilig mamili o mag shopping online? Kung isa ka sa mahilig mag online shopping, mahalagang tiyaking mabuti kung authentic at secure ang website.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mahalagang protektahan ang sarili mula sa mga mapanlinlang na websites.
Para makasiguro na legit ang website, siguraduhin ang mga sumusunod:
• Secure ang website kung mayroon itong icon na padlock at “https://” sa address bar.
• Tingnan kung may maling grammar at spelling sa website.
• Huwag ilagay ang inyong personal o bank account information sa mga hindi verified na website.
Sakaling nakumpromiso ang inyong account, credit card, e-wallet o personal na impormasyon, i-report ito agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer.
Ang mga bangko at e-money issuers ay naatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paigtingin ang kani-kanilang consumer assistance mechanisms. Ito ang directory ng mga consumer assistance channels nila: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/InclusiveFinance/ConsumerAffairsDir.aspx
Maaari ring i-report ang mga scammers sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology: https://cicc.gov.ph/report/
• Philippine National Police Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center: Landline+63 (723-0401 local 7491 o Cellphone 0961-829-8083 and 0915-589-8506
Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money issuer ang inyong hinaing, ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
(BSP/PIA-NCR)