hindi na individual franchise ang ipagkakaloob ng LTFRB kung kaya’t kinakailangang makabuo ang mga ito ng samahan o cooperative bago mabigyan ng prangkisa.
Samantala, matatandaan na taong 2018 nang simulan ang sunod-sunod o serye ng pagbabalangkas at pagpaplano ng Kapitolyo, sa pangunguna nina Governor Mandanas bilang LPTRP Team Chairperson at tanggapan ng PPDO na tumatayong secretariat, para sa mabilisang koordinasyon sa mga bayan, lungsod, at mga katuwang na organisasyon at ahensya na makakatulong sa paglikha ng Provincial Local Public TransportRoute Plan.
Pinasimulan ito sa pinagtibay na Executive Order No. 2HIM1-01 o Creating the Local Public Transport Route Plan (LPTRP) Team of the Provincial Government of Batangas na hango sa Joint Memorandum Circular No. 001 Series of 2017, dated June 19, 2017, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation (DOTr).
Nakapaloob dito na kinakailangang magsagawa ng Local Public Transport Route Plan ng transport modes at makapagbigay ng mga panukala na may kinalaman sa public transport routes katuwang ang bawat local government unit (LGU).
Ang LPTRP ay ang plano na magdedetalye sa network ng ruta at kinakailangang bilang ng mga yunit sa bawat klase ng mga sasakyan kada bayan para sa paghahatid ng mga pampublikong land transport services. Ito rin ang magsisilbing batayan ng LTFRB para sa issuance ng prangkisa sa mga Public Utility Vehicles (PUVs).
Isa sa mga hangarin nito ang magkaroon ng fixed salary at oras ng trabaho ang mga drivers. Dito ay masusi ring pinag-aaralan ng mga LGUs, katuwang ang Department of Transportation, ang pagsasaayos ng mga itatalagang tamang daan, terminals, at drop-off points na tatahakin ng mga PUVs. (BMPDC-PIA Batangas at ulat mula sa Batangas Province PIO)