Ang pangunahing layunin nito ay upang ma-educate ang mga kabataan kung paano sila iiwas sa paggamit ng illegal na droga at kung saan sila dapat pumanig sa pamahalaan o sa lumalaban sa pamahalaan,”ani Soriano.
Samantala, binigyang-diin naman ni Arabia na sa loob ng 51 taon ay hindi nabigyan ng kasagutan ang isinisigaw na karapatan at demokrasya sa pamamagitan ng rebolusyon at armadong pakikibaka.
Aniya, ang mga katuruang ito ay kailanman hindi nagkaroon ng katuturan kung kaya’t dapat hindi maloko ang publiko lalo’t higit ang mga kabataan.
Ayon kay PCol. Glicerio Cansilao, ang pagkakataong ito ay tunay na makabuluhan upang pukawin ang puso at isipan ng mga kabataan upang hindi sila malihis ng landas at maakit ng matatamis na salita upang maiiwas sila sa anumang kapahamakan.
Nauna na dito ay sabay sabay na inilunsad ang KKDAT sa lahat ng bayan at lungsod noong ika-18 ng Hunyo katuwang ang mga police stations sa 34 bayan at lungsod sa lalawigan.
Ang KKDAT ay bahagi ng proactive response ng Philippine National Police kaugnay ng hangarin ni Pagulong Rodrigo Duterte na malinis ang bansa sa illegal na droga at terorismo. Ang paglulunsad ay nilahukan ng mga SK Federation President ng mga bayan at lungsod sa lalawigan gayundin ang 34 na police stations dito. (BHABY P. DE CASTRO/PIA-Batangas)