No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Mga nakumpiskang iligal na kontrabando sa IPPF, sinira

Mga nakumpiskang iligal na kontrabando sa IPPF, sinira

Pinangunahan ni Superintendent Joel Calvelo ang pagsira sa nakumpiskang mga iligal na kontrabando sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF). (Kuhang larawan ni Michael Escote, PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA)  -- Pinangunahan ni Iwahig Prison and Penal Farm Superintendent Joel Calvelo noong Hunyo 28 ang pagsira sa nakumpiskang mga  iligal na kontrabando sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Supt. Calvelo, ito ang pangunahing programa  ni Bureau of Corrections  Director General Gerald Bantag  upang maiwasan, mapigilan at  mawala ang mga  iligal na kontrabado sa lahat ng pasilidad ng BuCor  sa buong bansa .

“Ang pagsira nating ito ay para ipakita  sa taong bayan na tunay ang ating adhikain na maiwasan o mawala ang lahat ng kontrabandong ito at para ipakita rin na ang mga nakumpiskang kontrabando ay mawala talaga at hindi mai-recycle o magamit muli kung mayroong mga tiwali  pang tauhan para sa kapakanan ng IPPF at BuCor” dagdag pa ni Calvelo.

Kabilang sa mga sinirang kontrabando ay ang 12 alak, 133 pakete ng sigarilyo, 1,152 sticks/rolled ng tobacco,  194 cellphones,131 pirasong  chargers, earphones at accessories , 21 unit ng appliances, 545 gambling pharaphernials at  499 piraso ng improvised deadly weapon.

Kinumpirma naman ni IPPF spokesperson Levi Evangelista na ang mga kontrabado ay nakumpiska sa kanilang ginawang oplan galugad sa apat na sakop ng kolonya partikular na sa Central colony, Sta Lucia sub-colony, Montible sub-colony at Inagawan sub-colony. (MCE/PIA Mimaropa)



About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch