No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PhilSys Step 2 registration sa Baliwag, nagsimula na

Patuloy ang isinasagawang Philippine Identification System Step 2 Registration ng Philippine Statistics Authority sa bayan Baliwag sa Bulacan. (SM Baliwag)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- Nagsimula na ang Philippine Identification System o PhilSys Step 2 Registration ng Philippine Statistics Authority o PSA sa bayan Baliwag sa Bulacan.

Ito ay para sa mga may appointment slip o Application Reference Number na nanotipikahan ng PSA sa pamamagitan ng text.

Layunin nito na hindi magdagsa ang mga tao sa itinalagang registration area sa Cyberzone ng SM City Baliwag.

Paliwanag ni Darwin Calonzo, Registration Canter Supervisor ng PhilSys Bulacan, ang PhilSys ay naglalayon magkaroon ng isang valid at unique na identification ID ang bawat Pilipino para sa mas mabilis na pampubliko at pribadong transaksyon.

Magagamit ito sa pag-avail ng mga serbisyo ng pamahalaan tulad ng health, education, financial at social protection.

Samantala, nagagalak ang PSA sa suporta ng pamunuan ng nasabing establisyimento sa pagbibigay ng espasyo upang siguruhin ligtas ang mga nagpaparehistro.

At upang gabayan ang mga nagpaparehistro, naglagay ang PSA at SM City Baliwag ng detailed signages para sa sistematikong proseso.

Kabilang ang validation ng appointment slip; beripikasyon ng mga dokumento at demographic information; pagkuha ng biometric information tulad ng iris-scan, fingerprint at larawan; at issuance ng transaction slip. 

Dagdag pa ni Calonzo, tatagal ang parehistruhan ng isang taon at target na makapagrehistro ng 50,000 hanggang 100,000 katao.

Bago ang Step 2, inaabisuhan ang lahat na magrehistro muna online sa https://register.philsys.gov.ph/. (CLJD/VFC-PIA 3)

About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch