No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: PCSD, suportado ang pag-amyenda sa Wildlife law

PCSD, suportado ang pag-amyenda sa Wildlife law

PUERTO PRINCESA,Palawan (PIA)--Suportado ng Palawan Council for Sustainable and Development (PCSD)  ang isinusulong na batas sa Senado  para amyendahan ang Republic Act 9147 o  the Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang pagsuporta ay ipinahayag ni PCSD Executive Director Atty. Teodoro Jose Matta sa  naganap kamakailan na  joint  public hearing ng  Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change at Committee of Finance, Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking  via online na pinangunahan ni  committee’s chairman Senator Cynthia Villar na dinaluhan nina Senator Juan Miguel Zubiri at  Senator Nancy Binay  para pag-usapan ang Senate Bill No. 2078 at  No. 2079 o the Revised Wildlife Resources Conservation and Protection Act. 

(Nagpahayag ng pagsuporta si PCSD Executive Director Atty. Teodoro S. Mata sa panukalang batas sa senado na mag-aamyenda sa Republic Act 9147 o the Wildlife Resources Conservation and Protection Act/kuhang larawan ng PCSD)

Sa kaniyang naging talumpati, iginiit ni  Atty. Mata na kailangang maipasa ang mga pinanunukalang mga batas para maamyedahan ang RA 9147 kung saan nagmungkahi ito na maisama sa gagawing batas ang pagdeklara  sa Wildlife Trafficking/Trade na isang  ‘unlawful activities’ sa ilalim ng Anti-Money Laundering Law (RA 9160) at ang pagbuo ng National Anti-Wildlife Trafficking Task Force o Council.

Ang PCSD ay  nabuo sa pamamagitan ng RA 7611 o the Strategic Environmental Plan (SEP) for Palawan Act  na naipasa noong taong 1992 para proteksyunan ang flora at fauna ng tinaguriang last frontier ng Pilipinas, ang lalawigan ng Palawan.

Sa ngayon ang panukalang batas na ang layunin ay  mas lalong mapalakas ang pagprotekta sa  mga buhay-ilang o wildlife sa bansa   ay patuloy pang pinagaaralan ng Technical Working Group (TWG) ng senado.(MCE/PIA Mimaropa)

 

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch