No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Higit 30K residente sa Biñan bakunado na kontra COVID-19

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna (PIA) --Umabot na sa 30,189 ang kabuuang bilang ng mga residente sa lungsod ng Biñan ang nabakunahan na kontra COVID-19, ayon sa Biñan City Health Office.

Sa inilabas nitong datos as of July 4, iniulat ng Biñan CHO na 12,236 sa mga ito ang fully vaccinated na o nakakumpleto na ng ikalawang dose ng bakuna.

Ayon sa Biñan CHO, may kabuuang 51,594 dose ng iba’t ibang brand ng bakuna ang natanggap ng pamahalaang lungsod mula sa pamahalaang nasyunal.

Kabilang dito ang 12,460 doses ng AstreZeneca, 29,474 doses ng Sinovac vaccine, 300 doses ng Gamaleya Sputnik V vaccines, at 9,360 doses ng Pfizer vaccine.

Sa ngayon, patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagbabakuna sa mga prayoridad na grupo sa 9 na itinalagang vaccination sites sa lungsod.

Bukod sa mga vaccination sites ay patuloy din ang pagbabakuna sa drive-thru vaccination hub nito na matatagpuan sa Southwoods Mall.

Patuloy din ang maigting na kampanya ng pamahalaang lungsod upang mpataas pa ang bilang ng mga residente, partikular na ang kabilang sa iba’t-ibang priority groups na magpabakuna laban sa COVID-19.

Para sa mga anunsiyo kaugnay ng pagbabakuna sa lungsod ng Biñan, mangyaring umantabay sa official Facebook page ng City Health Office nito (https://www.facebook.com/CHOBinanLaguna/FC-PIA) 

About the Author

Fredmoore Cavan

Information Officer II

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch