No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 6 na myembro ng BIFF sumuko sa Philippine Army

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Anim na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Bungos Faction na nago-operate sa Maguindanao ang nagbalik-loob kamakailan sa pamahalaan.

Ito ay matapos silang sumuko sa headquarters ng 6th Infantry (Redskin) Battalion sa Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay kanilang itinurn-over ang dalawang M16 A1 rifles, isang M14 rifle, tatlong caliber .30 garand rifles, at mga ammunition at magazine ng iba’t-ibang kalibre ng armas.

Sinabi ni 1st Mechanized Brigade Col. Pedro Balisi na unti-unti nang nagpagtatanto ng mga miyembro ng BIFF ang kawalan ng saysay ng kanilang grupo na naging dahilan ng kanilang pagsuko.

Nabatid na sa mga nakaraang buwan ay puspusan ang military, kasama ang mga partner sa ilalim ng Joint Task Force (JTF) Central, sa paghuli sa mga armadong BIFF na responsable sa mga serye ng kaguluhan sa Central Mindanao.

Samantala, nanawagan naman si JTF Central at 6th Infantry Division Commander Major General Juvymax Uy sa mga miyembro ng BIFF at Dawlah Islamiya na boluntaryong sumuko sa pamahalaan at tamasahin ang mapayapang buhay kasama ang kanilang pamilya. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from DPAO 6ID).

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch