No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Mga magsasaka sa Bulacan tumanggap ng mga kagamitan, binhi

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- Nagpamahagi ang pamahalaang panlalawigan at Department of Agriculture ng mga kagamitang pansaka at binhi upang tulungang makabangon ang sektor ng agrikultura sa Bulacan sa pinsala ng mga nagdaang bagyo.

Pinangunahan ni Gobernador Daniel Fernando ang pamamahagi ng walong yunit ng shallow tube well sa walong Farmers Cooperative Associations o FCAs at 71 piraso ng fish coolers sa anim na FCAs.

590 plastic crates din ang tinanggap ng 14 na FCAs habang samut-saring vegetable seeds ang ipinamahagi sa 14 na bayan.

Sa kanyang mensahe sa mga benepisyaryo, sinabi ni Fernando na tuloy na ang pagpapatayo ng Farmer’s Training School.

Maliban dito, magpapatayo din ng Bulacan Farmer’s Productivity Center at Provincial Government Multiplier and Breeding Center sa 25 ektaryang lupain ng pamahalaan sa bayan ng Donya Remedios Trinidad upang madagdagan ang kaalaman ng mga magsasaka sa new technology farming.

Hinikayat din ng punong lalawigan ang mga magsasaka na turuan ang kanilang mga anak na matuto sa pagsasaka. (CLJD/VFC-PIA 3)

Pinangunahan ni Gobernador Daniel Fernando (pang-apat mula kaliwa) ang pamamahagi ng ng mga kagamitang pansaka at sari-saring buto upang tulungan makabangon ang sektor ng agrikultura sa Bulacan sa pinsala ng mga nagdaang bagyo. (PPAO)

About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch