No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

'Posong mula sa Puso' iginawad ng 1st QPMFC sa mga residente ng Cabarroguis

Tumanggap din ng ayuda mula sa 1st QPMFC at 1st QPMFC Advisory Council ang mga residente ng Purok 1 at Purok 2 ng nasabing bayan.

CABARROGUIS, Quirino (PIA) - - Iginawad ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company (1st QPMFC) at ng 1st QPMFC Advisory Council  ang bagong gawang  potable water system (poso) para sa mga residente ng Purok 1 at Purok 2 sa barangay Eden, Cabarroguis, Quirino kamakailan.

Ayon kay Lt. Col. Ernesto  DC Nebalasca Jr, force commander ng 1st QPMFC, ang proyekto ay naisagawa at naisakatuparan sa pamamagitan ng 1st QPMFC End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) fund at sa tulong at suporta ng Advocacy Support Group at Company Advisory Council, alinsunod sa 1st QPMFC Really Cares Program at PNP Barangayanihan Program.

Ang nasabing proyekto  ay pinasinayaan ni Col. Rommel A. Rumbaoa, provincial director ng Quirino Police Provincial Office  kasama sina Joan U. Javier, chairperson ng ACA at Pastor Rowemin S. Telan ng Advocacy Support Group.

Lubos ang pasasalamat ni Kapitan Reynaldo Marzo sa mga opisyal ng QPPO partikular sa 1st  QPMFC at sa mga ahensyang naging katuwang nila  sa posong ipinagkaloob ng mga ito sa  mga residente ng Purok 1 at Purok 2 ng Barangay Eden dahil meron na silang malinis at ligtas na tubig na maiinom.

Samantala, bukod sa poso ay namigay din ang 1st QPMFC ng ayuda ang 1st QPMFC sa mga residente ng  mga nasabing purok .

Ang pamimigay ng  ayuda ay alinsunod sa 1st QPMFC Really Cares Program at PNP Barangayanihan Program at para matulungan ang mga mamayang mahihirap na lubos na naapektuhan ng pandemiyang dulot ng COVID-19.

“Ito ay isang hakbang  ng kumpanya upang makamit ang ugnayan sa kumunidad para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng probinsya,” ani Nebalasca. (MDCT/TCB/PIA Quirino)

About the Author

Thelma Bicarme

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch