No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 30 magsasaka sa Torrijos tumanggap ng tulong mula sa DAR

TORRIJOS, Marinduque (PIA) -- Tumanggap ng mga kagamitang pansaka mula sa Department of Agrarian Reform (DAR)-Marinduque ang 30 miyembro ng Maranlig CARP Beneficiaries Association (MCBA) sa bayan ng Torrijos, kamakailan.

Kabilang sa mga ipinamahagi ay 30 pala, 30 karit at 30 bareta na may kabuuang halagang P34,200 kung saan ang pondo ay nagmula sa ilalim ng Climate Farm Productivity Support Project (CRFPSP) ng kagawaran.

Nagbigay rin ang DAR-Marinduque ng mga butong pananim para sa tinatayang 2,000 metro kuwadradong demo farm.

Bago ang pamamahagi ay nagsagawa muna ng dalawang araw na pagsasanay tungkol sa Climate Change Adaptation, Mitigation and Planning (CHAMP) ang ahensya.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform-Marinduque ay 30 pala, 30 karit at 30 bareta na may kabuuang halagang P34,200 kung saan ang pondo ay nagmula sa ilalim ng Climate Farm Productivity Support Project. (Larawan mula sa DAR-Marinduque)

"Iilan lamang po ang mga ahensya ng gobyerno na pumupunta rito sa aming lugar lalo na ngayong panahon ng pandemya. Isa na po diyan ang DAR na may dala pang regalong gamit para sa aming pagbubukid. Salamat po at asahang aalagaan namin ang mga ibinigay ninyong farm tools para gawing maunlad ang aming pagsasaka," pahayag ni Emilio R. Quereza, pangulo ng MCBA.

Si Engr. Anton M. Llanes, OIC-Municipal Agrarian Reform Program Officer ng Torrijos na tumatayo ring OIC-Chief Agrarian Reform Program Officer ng Program Beneficiaries Development Division ang nagsilbing resource person habang si Alejandro S. Buñag, CRFPS Focal Person ang nanguna sa gawain. (ENSJR/RAMJR/PIA Mimaropa)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch