TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Dalawang uri ng Asian species ng mga pagong ang magkasunod na pinakawalan ng Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources sa kanilang natural habitat sa Lambak Cagayan.
Unang pinakawalam ang isang Asian Giant Soft-shelled Turtle sa bahagi ng Addalam River sa probinsiya ng Quirino.
Ayon kay Dr. Glenn Maguad, beterinaryo ng nasabing tanggapan, kabilang ang ganitong uri ng pagong sa nakalista bilang threatened species o nanganganib nang mawala.
"We are doing our efforts to release these kinds of animals kasi scavengers sila at opportunistic hunters din sila so kumbaga yung mga hayop na namamatay ay napapabilis ang decomposition process kasi imbes na nabubulok ay kinakain sila ng ganitong klaseng pagong," pahayag ni Maguad.
Sunod ding pinakawalan sa Malasi Tree Park and Wildlife Sanctuary sa Cabagan, Isabela and dalawang Asian Box Turtles.
Ayon din kay Maguad sensitibo at madalang na nakapagparami ang ganitong uri ng mga pagong kaya puspusan ang kanilang ginagawang preserbasyon upang hindi tuluyang mawala ang kanilang lahi.
Pinaalalahanan din nito ang mga mamamayan na huwag hulihin ang mga ganitong uri ng pagong dahil may batas na pumuprotekta sa kanila. (MDCT/OTB/PIA Cagayan)
Pinakawalan sa bahagi ng Addalam River sa probinsiya Quirino and isang Asian soft-shelled species ng pagong. (DENR)