LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) --May 100 frontliners, senior citizens at may co-morbidities ang nabakunahan sa isinagawang dry run ng mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC)-Batangas Chapter Agosto 9 sa Xentro Mall, ang ikatlong vaccination site ng pamahalaang lungsod.
Ayon sa PIO Batangas City, layunin ng PRC-Batangas Chapter na matulungan ang team ng City Health Office (CHO) upang mas maraming Batangueno ang mabakunahan
Sinabi ni PRC-Batangas Chapter Administrator Ronald Generoso, na ang bakuna na ibinigay sa mga residente na kabilang sa A1, A2, at A3 priority groups sa isinagawang dry run ay nagmula sa Department of Health (DOH)
Ang pagbabakuna ay gaganapin tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes mula ika-8 hanggang ika-5 ng hapon sa nasabing vaccination site.
Ang mga babakunahan naman sa Biyernes ay yaong mga nagpalista sa barangay at isinumite sa CHO gayundin yaong mga nagpatala sa online registration form.
Samantala, ilang kawani ng CHO ang nag-observe sa dry run ng mga steps ng vaccination at upang magbigay ng rekomendasyon para maging mas maayos at mabilis ang proseso.
Sisiguruhin din na maayos na maipapatupad ang safety at health protocols dito. (PIO Batangas City/PIA-Batangas)