No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOLE nagkaloob ng P5M sa Siniloan para sa programang TUPAD

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna (PIA) --Nagkaloob ng halagang P5 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE)  sa pamahalaang bayan ng Siniloan para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

"Sa patuloy na pagsusumikap ng ating Punumbayan Rainier Acero Leopando, Pangalawang Punumbayan Patrick Ellis Go at bumubuo ng Sangguniang Bayan, ang bayan ng Siniloan ay muling pinagkalooban ng ating butihing DOLE Secretary Silvestre “Bebot” Bello ng halagang P5,000,000  para sa mga kababayan nating nais makasama sa programa ng DOLE TUPAD," pahayag ng pamahalaang lokal sa opisyal na Facebook page nito. 

Ang programang TUPAD ng DOLE ay isang community-based package of assistance na nagkakaloob ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho, underemployed at seasonal workers sa loob ng 10 araw ngunit hindi lalampas 30 araw at depende sa klase na gagawing trabaho.

Sa ilalim ng programa, ang mga kwalipikadong mamamayan na maaaring sumali ay mga underemployed na manggagawa, self-employed, kamakailang nawalan ng trabaho, at puwede rin ang mga senior citizens basta may medical certificate na nagpapatibay na fit to work.

Samantala, ang mga hindi naman puwedeng sumali ay mga benepisyaryo ng 4Ps, SAP 1 at 2 waitlisted beneficiaries, at mga nakatanggap na ng DOLE TUPAD benefits. 

Ang mga interesado at kwalipikadong residente ay pinapayuhang magtungo sa munisipyo, magdala ng photocopy ng kanilang valid ID na may tatlong pirma at hanapin lamang si HRMO OIC Rico Sunega o si Bb. Allaine Rolan simula sa Agosto 16 hanggang Agosto 20. 

Kaugnay nito, inihayag ng pamahalaang bayan ng Siniloan na magkakaroon ng DOLE TUPAD payout para sa 500 residente sa ika-25 ng Agosto sa ganap na ika-1 ng hapon sa liwasang bayan.

Paalala ng pamahalaang bayan sa mga benepisaryo, magdala ng ID mula sa DOLE at isang valid ID, at magsuot ng face mask at face shield.

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch