No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

7 specimen mula sa lalawigan ng Quezon na sinuri ng UP Genome Center, positibo sa Delta variant

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna (PIA) --Kinumpirma ng Department of Health na nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 ang pitong (7) specimen mula sa lalawigan ng Quezon na sinuri ng UP Genome Center, ayon sa Quezon Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Ayon sa Quezon Public Information Office (QPIO), ang mga specimen na sinuri ng UP Genome Center ay apat (4) mula sa Dolores, dalawa (2) mula sa Sariaya na ang isa ay returning overseas Filipino (ROF), at isa mula sa Tiaong. May isa ring kaso ng Beta variant na naiulat mula sa bayan ng Sariaya.

Kaugnay nito, patuloy pang nililinaw ng mga lokal na pamahalaan ang lokasyon at kalagayan ng iba pang naitalang kaso.

Binigyang linaw din na ang tatlong (3) kaso sa Dolores ay gumaling na mula sa sakit, habang ang isang kaso naman mula sa Tiaong ay hindi naninirahan sa bayang nabanggit.

Samantala, sa pabatid ni Lucban Mayor Olivier Dator, nakapagtala ng isang kaso ng COVID-19 Delta variant ang kanilang rural health unit (RHU). Ang pasyente ay isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Ayuti, seaman at may history ng travel sa Indonesia.

"Kaagad pong inaalam ngayon ng ating loka na pamahalaan kung naka-uwi ang pasyente sa ating bayan. Atin din pong iniatas ang immediate contract tracing at isolation. Inatasan po natin ang Barangay Ayuti na magsagawa ng section lockdown at disinfection katulong ng ating MDRRMC at BHERT," paniguro ni Mayor Dator.

"Lucban is placed on heightened alert. Please follow protocol! Mag-ingat! Mag-ingat! Mag-ingat!," babala rin ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan. (CPC, PIA Quezon at ulat mula sa QPIO at Lucban FB Pages)



About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch