LUNGSOD PARAÑAQUE, (PIA) -- Maari nang pumunta ang mga residente ng Lungsod Taguig sa mga vaccination hub na nakatalaga sa kani-kanilang barangay upang magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon sa isang anunsyo sa I Love Taguig Facebook page, ang mga may edad 18 pataas ay maaari nang pumunta sa mga nakatakdang lugar para mabakunahan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Tingnan ang mga nakatalagang vaccination hub sa bawat barangay:
- RP Cruz Vaccination Hub – New Lower Bicutan
- Lakeshore-1 Mega Vaccination Hub – Lower Bicutan
- Western Bicutan National High School Vaccination Hub – Western Bicutan, Pinagsama, Fort Bonifacio
- Sea Breeze Mega Vaccination Hub – Hagonoy, San Miguel, Wawa
- EM’s Signal Village Elementary School Vaccination Hub – Katuparan, Central Signal, South Signal, North Signal
- Vanice Mega Vaccination Hub – Pinagsama, Fort Bonifacio
- Vista Mall Mega Vaccination Hub – Tuktukan, Ususan, Bambang, Sta. Ana, Palingon-Tipas, Ligid-Tipas, Calzada-Tipas, Ibayo-Tipas
Ang takdang oras ng pagbabakuna ay ay ibabatay sa unang letra ng apelyido:
- A-C: 8 a.m. to 10 a.m.
- D-G: 10 a.m. to 12 noon
- H-Q: 12 noon to 2 p.m.
- R-Z: 2 p.m to 4 p.m.
Ang same-day vaccination ay inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang mas padaliin ang pagbabakuna sa mga residente ng lungsod.
Kailangang dalhin ng mga mag papabakuna ang kanilang TRACE QR code, valid ID, at iba pang patunay na ang magpapabakuna ay residente ng lungsod.
Patuloy ang ginagawang pagpapaigting ng lungsod sa kanilang vaccination program para mabakunahan ang lahat ng eligible na residente, manggagawa, at economic frontliners sa lungsod. (I Love Taguig/PIA-NCR)