No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 13,000 senior citizen sa Marinduque, tumanggap ng social pension mula DSWD

BOAC, Marinduque (PIA) -- Aabot sa 13,904 senior citizens sa lalawigan ng Marinduque ang nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa programang social pension ng Department of Social Welfare and (DSWD).

Base sa datos ng DSWD-Marinduque, mayroong 3,427 na benepisyaryo sa bayan ng Booac, 1,108 sa Buenavista, 1,373 sa Gasan, 2,160 sa Mogpog, 3,377 sa Santa Cruz habang 2,059 naman sa munisipalidad ng Torrijos.

Sinabi ni Helen Alcoba, social welfare officer ng DSWD-Marinduque, ang social pension ay isang programa ng kanilang tanggapan na layong mabigyang tulong-pinansyal ang mga matatanda na may edad 60 pataas.

Kabuuang 13,904 senior citizens sa Marinduque ang nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa programang social pension ng Department of Social Welfare and Development. (Larawan mula sa DSWD-Marinduque)

Aniya, karagdagang ayuda ito ng gobyerno para matustusan ang mga pangangailang medikal, gamot at pagkain ng mga senior citizen kung saan ay makatatanggap ang bawat benepisyaryo nang halagang P500 kada buwan na may kabuuang halagang P6,000 kada taon.

Ipinamamahagi ang nasabing social pension dalawang beses sa isang taon. Ang sakop ng unang semestre ay Enero hanggang Hunyo samantalang ang ikalawang semestre ay mula Hulyo hanggang Disyembre.

Ngayong taon ay naipamahagi na ang pondo para sa unang semestre na nagkakahalaga ng P41,712,000. (RAMJR/MPNJR/PIA Mimaropa)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch