No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga mag-aaral ng PRMSU, bakunado na laban sa COVID-19

IBA, Zambales (PIA) -- Humigit kumulang 236 na mag-aaral ng President Ramon Magsaysay State University o PRMSU ang nakilahok sa Regional Simultaneous  Vaccination Program for Tertiary Students in Central Luzon na ginanap sa gymnasium ng Iba Campus ng pamantasan.

Ayon kay PRMSU President Roy Villalobos, layunin ng programang na ito na hikayatin ang mga mag-aaral na magpabakuna laban sa COVID-19 bilang paghahanda sa nalalapit na face-to-face classes sa kolehiyo.

Binigyang diin ni Villabos ang kahalagahan ng pagbabakuna bilang karagdagang proteksyon sa nakahahawang virus na ito.

Aniya, ang pagbabakuna ay hindi lamang paraan upang protektahan ang sarili kundi protektahan din ang pamilya at mga mahal sa buhay gayundin ay upang mapabilis ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga pamantasan.

Samantala, hinikayat ni Student Representative Jev Earlvince Maranan ang kanyang mga kapwa mag-aaral na magpabakuna at tulungan ang gobyerno at magsilbing instrumento upang makamit ang layunin nito.

Kabilang ang PRMSU,  Columban College, Inc., at Polytechnic College of Botolan sa 19 na mga pamantasan at kolehiyo na natukoy sa lalawigan ng Zambales na nagsilbing vaccination sites sa naturang aktibidad.
 
Itinaguyod ito ng Commission on Higher Education sa pakikipagtulungan sa Department of Health, Department of the Interior and Local Government at Philippine Information Agency. (CLJD/RGP-PIA 3)

Humigit kumulang 236 na mag-aaral ng President Ramon Magsaysay State University ang nakilahok sa Regional Simultaneous Vaccination Program for Tertiary Students in Central Luzon na ginanap sa gymnasium ng Iba Campus ng pamantasan. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch