No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Coastal clean-up activity, isinagawa sa Gasan

GASAN, Marinduque (PIA) -- Alinsunod sa programa ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na "Barangayanihan Caravan Towards National Recovery”, matagumpay na naisagawa sa Barangay Antipolo sa bayan ng Gasan ang coastal clean-up activity na pinangunahan ng mga tauhan ng Gasan Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Sangguniang Barangay (SB).

Kabilang sa mga nakibahagi ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers buhat sa ibat’t ibang sektor tulad ng Kabataan Kontra Droga at Terorista o KKDAT gayundin ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) at Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT members).

Samantala, pagkatapos ng nasabing gawain ay isang feeding activity naman ang naganap para sa mga nakilahok sa aktibidad.

Nagsagawa ng coastal clean-up activity sa Barangay Antipolo, Gasan kamakailan na pinangunahan ng Gasan Municipal Police Station. (Larawan mula sa Gasan MPS)

Layunin ng programang ito na makipag-ugnayan muli sa mga tao sa komunidad, makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa tabing dagat gayundin ang kaligtasan ng likas na yaman at magandang ugnayan ng Philippine National police sa iba't ibang sektor ng lalawigan. (RAMJR/ENSJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch