No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LTFRB-2 sinisiguro na nasusunod ang ‘health protocols’ sa mga pampublikong sasakyan lalo na ngayong Holiday Season

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Patuloy ang isinasagawang monitoring at enforcement activities ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 2 Enforcement Team upang masiguro na ligtas ang bawat mananakay lalo na ngayong Holiday Season.

Sa pamumuno ni Regional Director Edward Cabase, umiikot ang enforcement team ng LTFRB-2 sa iba’t ibang bayan upang personal na suriin ang mga sasakyan, ang drayber, mga pasahero, at ang istriktong pag-iimplementa ng mga health protocols.

Patuloy na pinapaalalahanan ni Cabase ang publiko na sundin ang mga health protocols at kumuha ng mga kailangang dokumento upang makabiyahe.

Pinangunahan ni LTFRB-2 Regional Director Edward Cabase ang pagsasagawa ng monitoring at enforcement activities sa bayan ng Iguig sa lalawigan ng Cagayan kamakailan upang masiguro na nasusunod ang mga patakaran ng operasyon ng mga PUV. (Litrato ng LTFRB-2)

Pinaalalahanan din ng regional director na laging sundin ang '7 Commandments' na kanilang ipinapatupad na kinabibilangan ng: (1) Laging magsuot ng face mask; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain sa loob ng sasakyan; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang wastong physical distancing.

Liban diyan, patuloy din ang enforcement team sa pag-iimplementa ng ‘Oplan Biyaheng Ayos Pasko 2021’ kung saan minomonitor ng grupo kung nasusunod ang time interval ng pagdating ng mga pampublikong sasakyan at dami ng mga pasahero.

Ilan lamang sa mga na-monitor na terminal sa Rehiyon sa mga nakalipas na araw ay kinabibilangan ng SM Transport Terminal sa Cauayan City, Magno Y Lim Terminal, Florida Bus Terminal, Victory Liner Bus Terminal, Integrated Terminal at Tuguegarao Transport Terminal na pawing matatagpuan sa Tuguegarao City, Cagayan. (MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch