No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cash Incentive, ipinamahagi sa lungsod ng Sto. Tomas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Namahagi ang pamahalaang lungsod ng Sto. Tomas ng honorarium bilang cash incentive gift sa mga lingkod-bayang pambarangay noong ika-29 ng Disyembre.

Ang naturang honorarium na nagkakahalaga ng dalawang libo bawat isa ay personal na tinanggap ng mga Barangay Health Workers(BHW), Barangay Migration Information Officer (MIO) at Barangay Nutrition Scholars(BNS)  .

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng City Treasurers Office.

Nauna rito, tumanggap na din ng kanilang honorarium ang mga miyembro ng Rural Improvement Club Presidents; Farmers Association President, Barangay BCPC-VAWC Officers at Barangay Animal Health Worker.

Samantala, nakatakdang tumanggap ng kanilang honorarium noong Disyembre 31, 2021 ang mga pampublikong guro. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from CIO STO. TOMAS) 

About the Author

Kier Gideon Paolo Gapayao

Information Officer III

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch