PUERTO PRINCESA,PALAWAN (PIA) -- Nagsimula na noong Enero 4 ang Oplan Ligtas Pamayanan (OPL) program ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Puerto Princesa City para sa taong 2022.
Ayon kay City Fire Director Chief Inspector Nilo T. Caabay Jr,, dahil bawal ang face to face, ginagawa nila ito sa pamamagitan ng public address kung saan nag-iikot ang kanilang mga tauhan sakay ng fire truck at nagbibigay ng mga paalala para maiwasan ang sunog.
Aniya, naka-iskedyul na ang kanilang OLP sa 66 na barangay at sa katunayan kahit sa malalayong lugar tulad ng Bgy. New Panggangan (na kailangang pang sumakay ng bangka para marating) ay pinupuntahan ng kaniyang mga tauhan para magbigay paalala dahil lubhang napakahalaga nito.
“Malaking bagay po kasi na paalalahanan yung ang ating community kung papaano protektahan ang kanilang aria-arian, kung saka-sakaling magkaroon ng emergency sa kanilang lugar ay madalas ipinaalala natin yung hotline natin sa opisina para matugunan kung saka-sakaling magkaroon ng problema sa kanilang lugar”, saad pa ni Caabay.