No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Iba SK ibinahagi ang mga inisyatibo sa gitna ng pandemya

IBA, Zambales (PIA) -- Ibinahagi ng Sangguniang Kabataan o SK Federation ng Iba sa Zambales ang mga naging inisyatibo nito ngayong pandemya. 
 
Sa panayam sa Network Briefing News, sinabi ni SK Federation President Mariella Enriquez na bago pa magkaroon ng pandemya ay isa na sa kanilang priority project ang pagsuporta sa quality education na natatanggap ng mga kabataan sa kanilang bayan.
 
Kaugnay nito, kanyang ibinahagi na sila ay namahagi ng bondpapers, printer inks sa mga kaguruan at school supply kit para sa mga mag-aaral na naglalaman ng flashdrives, pad papers, ballpens, at highlighters at sila at sila rin ay tumulong sa distribusyon ng mga modules.
 
Nagtayo rin sila ng mga E-library sa mga bara-barangay na makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang distance learning. 
 
Aniya, ang E-library ay magsisilbing education hub ng mga mag-aaral na kung saan maari sila ritong makagamit ng computer, makapagpaprint at makaconnect ng internet.
 
Sa kasalukuyan ay may 10 sa 14 na barangay sa naturang bayan ang mayroon ng E-library. 
 
Sa pagtugon naman sa usaping pangkalusugan laban COVID-19, ibinahagi ni Enriquez na patuloy ang mga gingawang pagbabakuna sa mga barangay at nakapagbahagi rin ang SK Council ng ayuda na galing sa sampung posyento ng SK fund.
 
Bukod pa rito, kanyan ring ibinahagi na isa sa kanilang tinutukan ang mental health ng mga kabataan.
 
Ani Enriquez, bilang isang registered psychomterician ay isa sa kanyang adbokasiya ang maalis ang stigma at matugunan ng maayos ang mental health concerns na mga kabataan na isa sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya. 
 
Dahil aniya sa mga restrictions gaya ng pagbabawal sa paglabas at pagsasara ng mga eskwelahan ay ilan sa mga naging pangkaraniwang epekto nito ay pagkakaroon ng depression at anxiety ng mga kabataan. 
 
Bilang tugon, nagkaroon ang Pederasyon ng SK sa Iba ng mental health webinars at nagkaroon din sila ng free mental health consultations na accessible sa lahat ng kabataan. 
 
Samantala, hinikayat ni Enriquez ang mga kabataan na pag-asa ng bayan na huwag tumigil mangarap, maghangad ng magandang buhay, at huwag tumigil na maging produktibong mamamayan sa kanilang bayan.
 
Hinikayat rin niya ang mga kabataan na makiisa sa pagkamit ng mandato ng SK na ihubog ang mga kabataan bilang mga nation builders. (CLJD/RGP-PIA 3)
 

Panayam kay Iba SK Federation President Mariella Enriquez sa programang Network Briefing News. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch