No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cacao industry sa Sariaya, lumago sa tulong ng DA Calabarzon

LUNGSOD NG CALAMBA (PIA) – Patuloy sa pag-usbong ang industriya ng cacao sa bayan ng Sariaya, sa tulong ng Department of Agriculture Region IV-Calabarzon (DA Calabarzon).  


Pinangunahan ng 52 cacao growers na miyembro ng Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan ng Sariaya (SICAP-Sariaya) ang katatapos lamang na Cacao Harvest Festival na layuning ipakita ang magandang dulot ng mga interbensyong ibinigay ng pamahalaan sa kanilang samahan. 


Ayon sa DA Calabarzon, isa ang SICAP-Sariaya sa mga benepisyaryo ng Technology Demonstration Program sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP) na naglalayong palakasin ang produksyon ng cacao sa pamamagitan ng pabibigay ng libreng pagsasanay tungkol sa mga modernong teknolohiya sa pagtatanim at suporta sa produksyon.


Umabot sa P3,822,790.29 halaga ng interbensyon mula sa DA Calabarzon ang natanggap ng SICAP-Sariaya ay nakatanggap noong 2020-2021. 

Naglaan rin ang pamahalaan ng P 423,500 halaga ng suporta sa produksyon para sa 2022. Kabilang dito ang cacao grinder, winnower, roaster, huller, seedlings, fertilizer, pruning shears, mini chainsaw, cacao processing facility, at iba pa.

Ayon kay Florencio A. Flores, pangulo ng SICAP-Sariaya, malaki ang tulong ng ga interbensyong ibingay ng DA Calabarzon sa kanilang samahan. 

Noong taong 2021, nakapag ani sila ng nasa 12,000 kilograms ng wet cacao beans, habang tinatayang 15,600 kilograms ng wet cacao beans ang inaasahan ngayong taon. 

Nakiisa din sa harvest festival sina DA-4A Quezon Agricultural Programs Coordinator Officer Rolando P. Cuasay, OIC-FOD Asst. Chief Fidel L. Libao, PLGU-Quezon Acting Provincial Agriculturist Leonellie G. Dimalaluan, at iba pang kawani ng DA-4A. (PB, DA CALABARZON) 



About the Author

Patricia Bermudez

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch