No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ilang aktibidad sa Kalilangan Festival sa Gensan, gaganapin ng face to face

GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Magiging hybrid o kombinasyon ng face to face at virtual ang mga inihandang aktibidad sa Kalilangan Festival ngayong taon, ayon kay Councilor Shandee Llido-Pestaño, Chairperson ng Committee on Tourism, Culture and the Arts ng Sangguniang Panlungsod ng Heneral Santos.

Dagdag ni Pestaño, mas maraming aktibidad ngayon na dati nang ginaganap tuwing Kalilangan ang hindi naisama dahil nangangailangan ito ng physical contact bilang pagsunod na rin sa mga minimum public health standards upang maiwasan ang COVID-19 transmission.

Ngunit, aniya, kahit na limitado ang pisikal na makadadalo sa iilang mga aktibidad ay mapapanood naman ito ng publiko sa pamamagitan ng online live streaming sa Facebook Page ng Kalilangan Festival https://web.facebook.com/KalilanganFestival.

Ilan sa mga hybrid activities ang grand opening, closing ceremonies, mga exhibit at ilang mga patimpalak.

Pormal nang binuksan ang Kalilangan Festival noong Pebrero 22 at magtatapos naman sa ika-27 ng Pebrero. (Harlem Jude Ferolino, PIA SarGen)

About the Author

Harlem Jude Ferolino

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch