No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

587 katao sa Romblon, nag-apply para maging pulis

May 587 na indibidwal sa probinsya ng Romblon ang opisyal na nakapag-proseso ng kanilang aplikasyon para sa PNP Entrance Exam ng National Police Commission (Napolcom) sa bayan ng Odiongan sa Romblon kamakailan. (Larawan mula kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- May 587 na indibidwal sa probinsya ng Romblon ang opisyal na nakapag-proseso ng kanilang aplikasyon para sa PNP Entrance Exam ng National Police Commission (Napolcom), sa bayan ng Odiongan sa Romblon kamakailan.

Tumungo ng Odiongan ang grupo ni Mary Joy Sta. Ana mula Calapan City, Oriental Mindoro upang tanggapin lamang ang mga aplikasyon na ito ng mga Romblomanong nais magpulis.

Paraan umano ito ng gobyerno upang makatipid ang mga gustong maging pulis sa pamasahe at gastos kung sila pa ang tatawid sa Calapan City para lang magpasa ng aplikasyon.

Samantala, may 88 ring pulis ang nag-apply para sa promotion exam ng PNP.

Ayon sa lokal na pamahalaan, 300 lang sana ang inaasahan nilang mag-aaply ngunit umabot ito ng halos 700 katao.

Sa darating na April 9 gaganapin ang examination ng mga nais maging pulis. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch