No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

CHO Gensan layong mabakunahan ang 80% ng senior citizen sa lungsod

GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Sinisikap ngayon ng City Health Office dito sa lungsod na mabakunahan ang 80 porsyento ng mga nasa target A2 o mga senior citizen upang mas mabilis na makabangong muli ang ekonomiya ng lungsod. 

Sa isinagawang press conference nitong Huwebes sinabi ni CHO Chief Dr. Rochelle Gajete-Oco na nasa Alert Level 2 pa rin ang General Santos City dahil hindi pa aniya naaabot ng lungsod ang 80% ng nabakunahang target A2 o senior citizens.

Isa ito sa apat na mga kinakailangang kondisyon upang bumaba ang isang lugar sa klasipikasyong Alert Level 1.

Ipinaliwanag ni Oco na nakuha na ng lungsod ang tatlong kondisyon upang pumasok sa kwalipikasyon katulad ng mababang bilang ng COVID-19 cases, kabuuang utilization rate ng hospital beds na mababa sa 50%, at 70% na fully-vaccinated ng kabuoang target population.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 821,167 doses ng bakuna ang naiturok para sa first at second dose sa buong target population samantalang nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa iba't-bang Mega Vaccination sites sa lungsod maging sa mga barangay. (Harlem Jude P. Ferolino, PIA-SarGen)

About the Author

Harlem Jude Ferolino

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch