LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Inaasahang makikinabang ang may 3,000 magsasaka sa mga bayan ng Bongabong, Roxas at Mansalay ng Oriental Mindoro sa Bongabong River Irrigation Project (RIP).
Ang P890-milyon Bongabong RIP ay pinasinayaan nitong Marso 29 at pinangunahan nina National Irrigation Administrator at Retired General R. Visaya at National Irrigation Administration (NIA) Mimaropa Regional Director William P. Ragodon.
Para kay Regional Director Ragodon, ang pagpapatupad ng mga proyekto gaya ng Bongabong RIP ay nakahanay sa pangarap ng ahensiya na magbigyan ng mahusay na patubig ang bansa at maginhawang pamumuhay ang mga magsasaka.
Ang Bongabong River Irrigation Project ay may service area na 6,000 ektaryang lupang sakahan.
Kasama sa disensyo ng proyekto ang may 41 kilometrong main canal at 45 kilometrong mga lateral canal.
Sa ngayon, ang Bongabong R-I-P ay nagbibigay ng karagdagang patubig sa may 2,095 ektarya ng palayan (LP)
Ang mahigit P890 milyong Bongabong River Irrigation Project. (Larawan mula sa NIA Mimaropa Region IV-B)