No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dating NPA member, ibinahagi ang hirap na dinanas sa ilalim ng samahan

LA TRINIDAD, Benguet (PIA) -- "Idi nag-full time ak (kas NPA member), ejay kun gayam a mapadas ti rigat, sakripisyo iti pamilya, bannog, puyat ken bisin. Kasjay ti marikrikna nga adda jay. (Nang mag-full time ako bilang NPA member, doon ko naranasan ang hirap, sakripisyo sa pamilya, pagod, puyat, at gutom. Ganun ang nararamdaman ng nandun)." Ito ang ibinahagi ni alyas John na isang dating kasapi ng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPA-NPA).
 
Halos limang taon ang nasayang kay John matapos umanib sa teroristang grupo. Isa rin siya sa mga kabataang sumasama sa rally noon hanggang sa nahikayat ito na mamundok. Gayunman, nang maranasan niya ang hirap sa ilalim ng CPP-NPA, nagdesisyon ito na bumaba ng bundok pero hindi aniya ganun kadali ang proseso.

Ibinahagi ni Mr. John ang kanyang karanasan sa piling ng CPP-NPA, sa ginanap na programa na bahagi ng Duterte Legacy Caravan sa La Trinidad, Benguet nitong April 22, 2022. (PIA-CAR)

Nanatili ito sa puder ng komunistang grupo kung saan, noong 2015 ay humingi siya ng tulong sa mga ito upang mapag-aral ang kanyang kapatid. Nangako ang grupo na tutulungan siya pero lumipas ang panahon ay wala siyang nahintay na tulong.
 
Kwento pa ni John, habang tumatagal kasama ang CPP-NPA, nadaragdagan ang mga naririnig niyang negatibong komento kaugnay sa grupo. 
 
Muling nagpaalam si John na titiwalag na sa grupo pero hindi siya pinayagan. Upang makawala sa grupo, humingi ito ng bakasyon upang bumisita sa kanyang pamilya na inaprubahan naman ng kanilang lider. Gayunman, pagbaba niya ng bundok ay hindi na ito bumalik pa.
 
"Manipud idi rimuarak, saan akun a nagsubli, madikun a subliyan ti rigat. Usto met ti ibagbagan ti umili, kaasi da piman nga maip-ipit ejay sunga nagpakpakaasi da kenyami nga uston. (Mula nang lumabas ako, hindi na ako bumalik, ayoko nang balikan ang hirap. Tama ang hinaing ng mga residente, kawawa sila na naiipit kaya nagmamakaawa sila sa amin na tama na)," kwento ni John.
 
Nakipagsapalaran ito sa Baguio City pero nanatiling mailap lalo na at nababalot pa rin ito ng takot sa kapulisan.

"Ti ammuk, nu matiliw kami, mabalud ken ma-torture kami ta isu ti insuro da kenyami (Ang alam ko, kung mahuhuli kami, makukulong at mato-torture kami dahil ito ang itinuro sa amin)," ani John.
 
Pero  may kababayan itong pulis na nakakita at humikayat sa kanya na magbalik-loob sa pamahalaan. Dito naliwanagan ang kanyang isip na ang mga itinamin ng CPP-NPA na negatibong mga bagay ukol sa pulisya ay taliwas sa katotohanan.
 
Aniya, maganda ang naging pakikitungo ng mga pulis sa kanya at sa mga kasama niyang sumuko kung saan may nakahanda ring programa ang gobyerno upang makapagsimula silang muli sa buhay.
 
"Ibagbagak daytoy tapnu dagitoy kabataan man wenno haan,  haan nga maaw-awis iti kasjay a grupo. Pangaasi tayo ta haan tayo nga ap-apanen. Umanay kamin nga nalpas nailaw-an ejay ket usto diyayen. Mayat met ti programa ti gobyerno para kadagitoy kabataan ken umili (Sinasabi ko ito upang itong mga kabataan man o hindi na nahihikayat sa mga ganitong grupo, pakiusap huwag na kayong pumunta. Sapat na kami na nalinlang at tama na 'yun. Maganda naman ang programa ng gobyerno para sa kabataan at mamamayan)," saad ni John.
 
Isa si John sa mga dating nalinlang ng CPP-NPA na pinili ang mas mapayapang buhay kasama ang kanyang pamilya. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch