No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DENR, nagsagawa ng Oplan Baklas sa Zambales

IBA, Zambales (PIA) -- Nagsagawa ng Oplan Baklas ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa lalawigan ng Zambales. 
 
Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Marife Castillo, may 9,649 campaign materials at mga advertisement na iligal na nakakabit sa mga punong kahoy sa mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar ang kanilang binaklas at kinolekta.
 
Ang naturang aktibidad ay idinaos sa pakikipagtulungan sa Commission on Elections o COMELEC, Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection.
 
Ito ay alinsunod sa Seksyon 3 ng Republic Act No. 3571 at Presidential Decree No. 953.
 
Ang mga nakalap na signages gaya ng tarpaulins, posters, at iba pang campaign materials ay itinurn over sa COMELEC para sa inventory at assessment at irerecycle upang mabawasan ang mga basura na idadala sa sanitary landfills.
 
Nagpasalamat naman si Castillo sa mga partner agencies sa kanilang suporta at pagtulong upang paigtingin ang mga programang nangangalaga sa kapaligiran upang paigtingin ang environmentally-conscious national campaign at pagpapatupad ng zero-waste election.
 
Samantala, kanya ring hinikayat ang mga tumatakbong kandidato na irecycle ang kanilang mga campaign materials pagkatapos ng halalan at iwasan ang paggamit ng single use plastics sa pamamagitan ng digital campaigning. (CLJD/RGP-PIA 3)

May 9,649 campaign materials at mga advertisement na iligal na nakakabit sa mga punong kahoy sa mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar ang binaklas at kinolekta sa isinagawang Oplan Baklas ng Department of Environment and Natural Resources sa lalawigan ng Zambales. (DENR Zambales)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch