No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Matiwasay na halalan sa Abra, tiniyak

LA TRINIDAD, Benguet (PIA) -- Tiniyak ng Police Regional Office - Cordillera (PROCOR) ang pagpapanatili ng mapayapa at ligtas na halalan sa rehiyon lalo na sa lalawigan ng Abra.

Sa ginanap na 4th Regional Joint Security Control Center Command Conference at 3rd Regional COMELEC Campaign Committee meeting nitong Martes, inihayag ni PROCOR Regional Director PBGen. Ronald Lee na kadalasang mapayapa ang eleksyon sa rehiyon ngunit may bayan sa Abra na kailangan nilang tutukan, ang Pilar.


 
"With the help of Atty. (Ricardo) Lampac, the provincial election director, rest assured na nandiyan ang PNP at AFP at your back para maging peaceful ang election sa Abra," pagtitiyak ng opisyal.


 
Nitong Miyerkules, Mayo 4, ay isinailalim ang  ang  bayan ng Pilar  sa COMELEC control kasunod ng mga ulat ng pagbabanta at pananakot ng supporters ng ilang kandidato sa lugar.
 

Si PROCOR regional director PBGen. Ronald Lee sa ginanap na 4th Regional Joint Security Control Center Command Conference at 3rd Regional COMELEC Campaign Committee meeting nitong May 3, 2022. (PIA-CAR)
Si COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa ginanap na press conference sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nitong May 4, 2022. (screen grabbed from PNP fb live)

"With this revelation at tsaka itong recommendation ng COMELEC regional director and the local government unit, I invoke my emergency power under COMELEC Resolution No. 10777 to declare an area under COMELEC control in urgent and meritorious cases. This is the first time that I exercise my emergency power considering the proximity of election which is only five days from now, kailangang maaksyonan ito kaagad," saad ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa ginanap na press conference sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.
 


Kinumpirma naman ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na ipinag-utos na niya ang pag-relieve sa lahat ng pulis sa Pilar Municipal Police Station kasunod ng rekomendasyon ng COMELEC dahil sa umano'y bias o hindi patas na pagpapatupad ng mga pulis doon sa kanilang tungkulin.

Itinalaga na sa Pilar MPS  ang ilang kawani ng Regional Mobile Force Battalion habang ang mga personnel ng nabanggit na tanggapan ay temporaryong na-reassign sa Personnel Holding and Accounting Section ng Abra PNP.


 Una nang bumuo ang PNP ng Regional Special Operations Task Group - Abra upang masiguro ang ligtas at mapayapang halalan sa lalawigan.

Samantala, tiniyak ng COMELEC - Abra na sa kabila ng mga hamon na kinakaharap nila sa ngayon ay handang-handa na ang komisyon sa paghatol ng bayan.


"With the completion of the training of the teachers, technical support staff, and the Board of Canvassers, and the complete delivery of the official ballots on April 28, 2022 to the different municipalities, the VCMs which were and will be delivered on May 2, 3, and 4 together with the readiness of the PNP and AFP personnel who will secure the conduct of elections, I can say that Abra is ready. Arya Abra, walang Aray," saad ni Lampac.


 
Sa ulat ng COMELEC-Abra, aabot sa mahigit 3,000 na puwersa ng pamahalaan ang ipakakalat sa buong lalawigan sa araw ng halalan kabilang na ang mula sa Abra PNP, Regional Mobile Force Battalion, Special Action Force, at Armed Forces of the Philippines. (JDP/DEG-PIA CAR)

Si COMELEC Abra election supervisor Atty. Ricardo Lampac sa ginanap na 4th Regional Joint Security Control Center Command Conference at 3rd Regional COMELEC Campaign Committee meeting nitong May 3, 2022. (PIA-CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch